MAKAKASAGUPA ng Alas Pilipinas Men ang African Powerhouse na Egypt ngayong Martes, sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya sa 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Magsusukatan ng galing ang mga Pinoy na record na 0-1 at Reigning Men’s African Nations Volleyball Champions na Egypt na may 1-0 record, mamayang ala singko y medya ng hapon.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Sisikapin ng Alas Men na makabawi at manatiling buhay ang kanilang kampanya habang target naman ng Egypt na mapasakamay ang ikalawang panalo.
Noong Linggo ay kinapos ang Alas Pilipinas sa kanilang Opening Game laban sa Tunisia, sa score na 13-25, 17-25, 23-25.
