MATAPOS ang unang taon ng pamamahala ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), malaki na agad ang naging pagbabago nito.
Nakatakdang buksan ng ng New NAIA Infra Corporation sa Ninoy Aquino International Airport ang bagong Facial Recognition System.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Sa ilalim ng nasabing sistema, gamit ang mukha ng pasahero, maaari na silang mag-check in at baggage drop, at maaari ding gamitin ang Facial Recognition sa Security at Boarding.
Isang taon mula nang i-take over ng NNIC ang pamamahala sa NAIA, umabot na sa 51.7 milyong pasahero ang gumamit sa paliparan, mas mataas ng 6% kumpara sa nakaraang taon.
Mayroon namang mahigit 283,000 Flights ang napamahalaan ng Airport.
Nakapagtala din ng bagong record sa NAIA para sa On-Time Performance na umabot sa 92.12% sa isang araw – ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng Airport.
