30 September 2025
Calbayog City
National

Atong Ang at Gretchen Barretto, sinubpoena ng DOJ kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero

NAGLABAS na ng Subpoena ang Department of Justice (DOJ) laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, aktres na si Gretchen Barretto, at ilan pang indibidwal, kaugnay ng kasong Murder na isinampa sa kanila ng mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon, sinimulan nang isilbi ng mga awtoridad ang mga Subpoena noong Martes ng gabi.

Inihayag din ng DOJ na inisyuhan din ng Subpoena si Dating National Capital Region Police Office Chief, Retired Police Lt. Gen. Jonnel Estomo at labing walo pang mga pulis.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).