PINATIGIL ni South Korean President Lee Jae-Myung ang Proceedings para sa Multi-Billion Development Load para sa Bridge Project sa Pilipinas matapos mabulgar na binuhay ang Loan dahil sa Political Pressure.
Ang suspensyon ay kasunod ng ulat ng isang South Korean Investigative Outlet, kung saan isang mambabatas sa kanilang bansa na sangkot sa katiwalian ang nanggipit sa Finance minister para aprubahan ang Loan na una nang ibinasura ng Ministry of Economy and Finances noong Feb. 2024 bunsod ng banta ng korapsyon.
Paglipat ng Flood Control Project Funds sa edukasyon, suportado ng Budget Department
Paglalagay ng 2 pang Temporary Pumps sa Sunog Apog Pumping Station sa Maynila, ipinag-utos ng DPWH chief
ICI, inirekomendang kasuhan si Zaldy Co at iba pang mga opisyal ng DPWH bunsod ng Flood Control Project sa Mindoro
Rep. Zaldy Co, nagbitiw bilang kongresista!
Ibinaba ng South Korean president ang direktiba kasunod ng naunang desisyon na huwag suportahan ang naturang proyekto dahil sa katiwalian na iniugnay sa isang Local Filipino contractor na may Record ng palpak na konstruksyon at korapsyon sa kaparehong Projects.
Ang tinutukoy sa Report ay ang “Pang-agraryong tulay para sa Bagong Bayanihan ng mga Magsasaka (PBBM Bridges)”, at ang Implementing Agencies na Department of Agrarian Reform at Department of Public Works and Highways.