TATLONG Chinese Nationals na umano’y nagpapanggap na Pilipino ang inaresto sa Davao City, ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Ang mga suspek na sina Xu Yonglian, 38 anyos; Lin Jinxing, 42; at Cai Xiji, 44, ay nasakote ng mga ahente ng BI Regional Intelligence Division noong Sept. 5.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na iligal na nananatili at nagta-trabaho sa bansa ang tatlong dayuhan.
Ikinasa ang operasyon laban sa mga Tsino sa pagtutulungan ng Philippine Army, Air Force, at PNP, partikular ang Sta. Ana at Davao City Police Station.
