NAKATAKDANG mag-perform ang P-Pop Kings na SB19 sa Asia Artist Awards (AAA) 2025, na gaganapin sa Disyembre sa Taiwan.
Sa Instagram post, inanunsyo ng AAA na kabilang ang SB19 sa kanilang 10th Anniversary Concert, pati na ang K-Pop Groups na NEXZ, xikers, Cravity, KiiiKiii, at KickFlip.
ALSO READ:
Isasagawa ang tinawag na ACON 2025 sa Kaoshiung National Stadium sa Taiwan sa Dec. 7.
Matatandaang noong 2023 ay dumalo ang P-Pop Kings sa 8th Asia Awards na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.
Sa ngayon ay nasa kasagsagan ang SB19 ng kanilang Simula at Wakas World Tour, kung saan kamakailan ay nag-perform sila sa Singapore at Indonesia.




