NADAGDAGAN ang Business Names na naitala ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Agosto.
Sa datos mula sa DTI, umakyat sa 74,185 ang kabuuang Business Names na ni-rehistro sa kagawaran noong ika-walong buwan.
ALSO READ:
Mas mataas ito ng dalawang porsyento mula sa 71,680 na naitala noong Aug. 2024.
Saklaw ng Business Registrations ang mga bagong Business Names at Renewals.
Sa mga sektor, pinakamarami ang nagparehistro sa Wholesale and Retail Trade; sumunod ang Accommodation and Food Services Activities, at Transportation.




