NILINAW ng Department of the Interior and Local Government na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ang nagrerekomenda ng pagpapatupad ng suspensyon sa klase kapag masama ang panahon.
Sa pahayag ng kagawaran ipinaliwanag nito na ang tanging papel ni DILG Secretary Jonvic Remulla ay ang ipatupad at ianunsyo ang rekomendasyon sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.
Mga senador, muling in-adjust ang schedule para sa ratipikasyon ng enrolled copy ng 2026 Budget
Sarah Discaya at mga co-accused, humihirit na makabalik sa kustodiya ng NBI
Ombudsman, ipinasusurender sa DPWH ang computers at devices na inisyu kay yumaong Undersecretary Cathy Cabral
PNP at Bulacan Government, ininspeksyon ang tindahan ng mga paputok sa Bocaue
Sinabi din ng DILG na sa pagpapasya sa suspensyon ng klase, pangunahing tinitignan ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral at School Personnel.
Hindi rin umano nito intensyon na magdulot ng Learning Disruptions sa halip ay kailangan lamang tiyakin na protektado ang mga mag-aaral kapag masama ang panahon.
Ayon sa DILG handa itong makipagtulungan sa DepEd, LGUs at sa Private Educational Institutions para mabalanse ang kaligtasan ng mga estudyante at pagpapatuloy ng klase.
