NAPILI ang Historical Piece na “Magellan” ng Acclaimed Filmmaker na si Lav Diaz bilang Entry ng Pilipinas sa 98th Academy Awards o mas kilala sa tawag sa Oscars.
Ang Joint Statement ay ginawa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Film Academy of the Philippines (FAP) sa pamamagitan ng kanilang Facebook page.
Ang “Magellan” ang isinumite ng bansa sa Awards Ceremony para sa Best International Feature Film Category.
Inihayag ng Government Body na bilang suporta sa kampanya ng pelikula sa Oscars, magbibigay ang FDCP ng 1 million pesos kay Diaz at sa team nito sa pamamagitan ng kanilang Oscars Assistance Program.
Naungusan ng “Magellan” ang anim pang pelikula na nasa Shortlist na kinabibilangan ng “Green Bones,” “Food Delivery,” “Hello Love Again,” “Sunshine,” “Some Nights I Feel Like Walking,” at “Song of the Fireflies.”




