INALIS sa pwesto ang Chief of Police ng Marikina City bunsod ng command responsibility sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y panghahalay ng dalawang pulis sa kabaro nilang babae.
Sinabi ni Eastern Police District Head, Police Brig. Gen. Aden Lagradante na sasailalim din sa imbestigasyon ang hepe ng Marikina Police upang matukoy na bigo itong gampanan ang kanyang tungkulin na pamunuan ang kanyang mga tauhan.
Noong Aug. 17 ay inimbitahan ng mga suspek na isang police sergeant at isang patrolman ang biktima na patrolwoman, na magkape subalit dinala nila ito sa ibang lugar, saka nangyari ang insidente.
Nasa ilalim ng restrictive custody ang dalawang pulis at itinalaga sa Personnel Holding and Accounting Unit ng Police District.




