HINIMOK ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga paaralan sa Eastern Visayas na bumuo ng kanilang Disaster Response Protocols, kasabay ng pagbibigay diin ng kahalagahan ng pagtatanim ng Disaster Awareness sa mga mag-aaral.
Sinabi ni OCD Eastern Visayas Regional Director Lord Byron Torrecarion na mahalagang makasanayan ito ng mga estudyante dahil prone ang rehiyon sa iba’t ibang sakuna.
Idinagdag ni Torrecarion na ang pagtuturo ng disaster response ay nagpapayaman din sa diwa ng bolunterismo at pagmamahal sa bansa.
Hinikayat din ng OCD ang mga estudyante na tumulong na isalin ang kanilang kaalaman sa disaster response sa mga miyembro ng kanilang pamilya at itaas ang kamalayan ng publiko kung ano ang mga dapat gawin kapag mayroong kalamidad o sakuna.
Kaugnay nito ay nag-alok ang OCD ng technical assistance sa mga eskwelahan sa pagbalangkas ng kanilang Disaster Response Protocols.