HINILING ni Akbayan Party-List Rep. Perci Cendaña, sa Committee on Justice sa Kamara na magkasa ng isang Motu Proprio Inquiry kaugnay sa Extradition Request ng U.S. Laban sa founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Cendaña, ito ay para mabigyan ng linaw ang umano ay “Insufficiencies and Ambiguities” sa umiiral na mga batas sa bansa.
Ang liham ay ipinadala ni Cendaña kay Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro na siya ring Chairperson ng House Committee on Justice.
Sa pamamagitan ng ikakasang Inquiry, mabibigyang linaw at maipapaliwanag ang Procedural Steps sa kahilingan ng US ngayong nahaharap din sa mga kaso dito sa Pilipinas si Quiboloy.
Layon nito nitong matukoy kung kakailanganin bang magkaroon ng Supplemental Legislation para mas mapalakas pa ang Extradition Framework ng bansa.




