13 October 2025
Calbayog City
National

Taripa sa imported na bigas, hindi itataas, ayon kay Finance Sec. Recto

WALA pang nakikitang dahilan ang gobyerno para itaas ang ipinapataw na taripa sa mga imported na bigas.

Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto may bahagyang epekto ang pagbaba ng taripa sa bigas sa kita ng gobyerno, gayunman nananatiling matatag ang Revenue Collection ng bansa.

Simula noong nakaraang taon ay ipinatupad ng Malakanyang ang pagbaba sa sinisingil na taripa sa imported na bigas mula sa dating 25 percent patungong 15 percent na lamang para maibaba din ang presyo ng bigas at mapabagal ang Inflation.

Naniniwala din si Recto na malabong palawigin pa ang ipinatupad na 60-araw na Ban sa pag-aangkat ng bigas. 

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.