13 October 2025
Calbayog City
National

2 barko ng China nagkabanggaan sa Panatag Shoal; mga barko ng Pinas sa WPS, mananatili – PBBM

NAGKABANGGAAN ang Warship ng Chinese People’s Liberation Army-Navy at China Coast Guard sa katubigang sakop ng Panatag Shoal.

Ayon kay Philippine Coast Guard – West Philippine Sea Spokesperson Commodore Jay Tarriela, gamit ang BRP Teresa Magbanua at BRP Suluan, gayundin ang MV Pamamalakaya, nagsagawa ang PCG ng Kadiwa Operation sa Bajo De Masinloc kahapon ng umaga para tulungan ang nasa 35 mangingisdang Pinoy doon. 

Sa kasagsagan ng operasyon, ang mga barko ng Pilipinas at mga mangingisdang Pinoy ay nakaranas ng Hazardous Maneuvers at Blocking Actions mula sa mga barko ng China sa lugar. 

Binomba pa ng Water Cannon ng barko ng China ang BRP Isulan pero nagawang iiwas ng mga crew ng PCG ang barko.

Habang ginagawa ng mga barko ng China ang pambu-bully sa mga barko ng Pilipinas, nagkabanggaan naman ang China Coast Guard na may Vessel Number 3104 at ang People’s Liberation Army Navy Ship Number 164. 

Nagresulta ito ng matinding pinsala sa CCG Vessel kaya agad namang nag-alok ang Coast Guard ng tulong sa mga crew ng barko ng China na maaaring nasaktan o nasagutan dahil sa insidente. 

Habang ang mga mangingisdang Pinoy ay agad dinala ng BRP Teresa Magbanua sa ligtas na lugar kung saan sila pinagkalooban ng fuel at iba pang suplay. 

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.