20 August 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, itinuturing na “Most Productive and Constructive” ang kanyang State Visit sa India

ITINUTURING ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang kanyang Ongoing State Visit sa India bilang “Most Productive and Constructive.”

Ito ay kahit nasa ikalawang araw pa lamang siya mula sa limang araw na biyahe para sa layuning palalimin pa ang ugnayan sa isa sa mga higanteng bansa sa asya.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa isang pulong sa kanyang counterpart na si President Droupadi Murmu sa Rashtrapati Bhavan.

Pinasalamatan ni Marcos ang Indian Government sa mainit na pagtanggap sa kanya at sa kanyang delegasyon, kasabay ng pagbibigay diin sa lumalagong pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Sinabi ng punong ehekutibo na labis siyang na-inspire sa kinalabasan ng kanilang High-Level Meetings at iuuwi niya ang mga bunga nito at isasakatuparan ang mga plano at hakbang na napagkasunduan ng magkabilang panig.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).