INILUNSAD ng Department of Health (DOH) at Manila City Government ang “Bakuna Eskwela” Program.
Layunin nito na protektahan ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang nakahahawang sakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng bakuna sa mga pampublikong paaralan.
Mga pasaherong nakaranas ng Tap-Out Errors sa Cashless Payment sa MRT-3, bibigyan ng libreng tickets – DOTr
Mahigit 40 kaso ng Leptospirosis, naitala sa Quezon City sa huling linggo ng Hulyo
Partial Operations ng Metro Manila Subway, sisikaping maipatupad ng DOTr sa 2028
Rehabilitasyon sa EDSA, posibleng iurong sa 2027, ayon sa DPWH
Dumalo si Manila Mayor Isko Moreno sa simbolikong paglulunsad sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo, at inihayag ang kanyang suporta sa naturang hakbang.
Ayon sa alkalde, target nilang mabakunahan ang limampu’t tatlunlibong mag-aaral o mga batang Maynila.
Ang Manila Health Department sa pakikipagtulungan ng School Officials ay bibisita sa mga pampublikong paaralan simula ngayong Aug. 5 hanggang Sept. 5 para magbakuna sa mga estudyante.
Maglulunsad din ng “Bakuna Eskwela” sa iba’t ibang lugar sa buong bansa, sa tulong ng iba’t ibang lokal na pamahalaan.