WAGI ang Petro Gazz kontra Choco Mucho sa score na 20-25, 25-19, 26-24, 2-17, sa 2025 PVL on tour, sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.
Nakabawi ang Angels mula sa Back-To-Back Losses sa PLDT at Farm Fresh, at patungo na sila sa Knockout Round, sa pamamagitan ng 2-3 Card.
ALSO READ:
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Magnolia, naungusan ang Barangay Ginebra sa Debut ni LA Tenorio bilang Head coach
Pinangunahan ni Myla Pablo ang Angels sa kanyang Game-High 23 Points, na binubuo ng 19 attacks, 3 blocks, at one ace, kasama ang 16 receptions.
Nag-ambag din si Nicole Tiamzon ng 16 markers at 2 digs sa kauna-unahang laro ng Petro Gazz mula nang umalis ang kanilang Japanese Head Coach na si Koji Tsuzurabara.
Samantala, tinanggap naman ng Flying Titans ang ika-apat na sunod na talo, at mayroon na silang 1-4 Card sa Pool A.