HINDI kakayanin ng Department of Education (DepEd) na matapyasan muli ng Budget, lalo’t nailunsad na ang Quality Basic Education Development Plan 2025-2035.
Pahayag ito ni DepEd Secretary Sonny Angara, kasabay ng pangakong babantayan nilang mabuti ang budget ngayong taon para hindi na maulit ang nangyari noong nakaraang taon.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Noong Disyembre ay nadismaya si Angara matapos bawasan ng halos 12 billion pesos ang kanilang proposed budget, na ang malaking bahagi o 10 billion pesos ay para sana sa Computerization Program ng DepEd.
Binigyang diin ng kalihim na ang budget cut ay maaring makasagabal sa mga hakbang na pag-modernize sa classrooms at mabigyan ng mga mag-aaral at mga guro ng digital tools – na mahalagang bahagi ng plano ng pamahalaan upang mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa buong bansa.
Sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA), kahapon, tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga problemang kinakaharap ng sistema ng edukasyon sa bansa, kabilang na ang kahirapan at backlogs sa imprastraktura.