13 October 2025
Calbayog City
Local

Pagbubukas ng Kadiwa Stores kung saan mabibili ang murang bigas, inaabangan na sa Eastern Visayas

INAASAHAN ng National Food Authority (NFA) ang paglalagay ng Kadiwa Stores sa Eastern Visayas.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magdagdag pa ng Kadiwa Stores upang mailapit sa Vulnerable Sectors ang murang bigas.

Inihayag ng NFA na dahil wala pa ring Local Government Units sa rehiyon na interesado sa pagbebenta ng bente pesos na per kilo ng bigas ay inaasahan nila ang pagbubukas ng Kadiwa Stores.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).