NANGAKO si Northern Samar 2nd District Rep. Edwin Ongchuan na pangungunahan nito ang hakbang para makinabang ang lalawigan sa komprehensibong plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa Agriculture and Coconut Development na binigyang diin nito sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.
Sa statement, sinabi ni Ongchuan na ang deklarasyon ng pangulo ay isang natatanging oportunidad para sa mga residente ng Northern Samar, na nakadepende sa agrikultura ang kabuhayan.
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Inihayag ng mambabatas na karapat-dapat ang kanilang mga magsasaka sa suporta at resources para umunlad, at sa pamamagitan ng Strategic Initiative ay mapagbubuti nila ang kanilang Agricultural Landscape.
Tiniyak ni Ongchuan na sasamantalahin niya ang National Programs upang mapakinabangan ng mga lokal na komunidad, at mabigyan sila ng magandang kinabukasan.
