13 October 2025
Calbayog City
Local

Miyembro ng Criminal Gang sa Samar, sumuko sa mga awtoridad

IKINATUWA ng PNP ang boluntaryong pagsuko ng isang miyembro ng Criminal Gang sa Calbayog City, sa pagsasabing pinalakas nito ang kanilang kampanya laban sa mga lokal na grupong nagdudulot ng banta sa seguridad sa komunidad.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Capa,” trenta’y uno anyos, construction worker at magsasaka, at residente ng Barangay Migara.

Bahagi umano ang suspek ng Magbutay Criminal Gang, na iniuugnay sa iba’t ibang iligal na aktibidad sa lugar.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).