13 October 2025
Calbayog City
National

Halaga ng pinsala sa agrikultura ng Bagyong Crising at Habagat, mahigit 454 million pesos na

UMABOT na sa mahigit 454 million pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng pananalasa ng Bagyong Crising at Habagat.

Sa update mula sa Department of Agriculture, nakapagtala na din ng halos 21,000 na magsasaka na apektado at mahigit 20,400 na ektarya ng panamin ang napinsala.

Kabilang sa nasirang mga pananim sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region at Western Visayas ang mahigit 275 million pesos na halaga ng palay, mahigit 38 million pesos na halaga ng pananim na mais at mahigit 117 million pesos na High Value Crops.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).