ITINUTURING pa ring tagumpay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang porsyentong kabawasan sa taripa na ipinataw ng US sa mga produkto ng Pilipinas.
Ang dating 17% na Tariff Rate ay itinaas ni US President Donald Trump sa 20%, bago bumisita sa White House si Pangulong Marcos.
Sa kanyang pagbisita sa Washington D.C., nakipagpulong si Marcos kay Trump, at sa iba pang US Officials, kung saan tinalakay ang mga usapin na may kinalaman sa Defense at Trade.
Binigyang diin ng pangulo na bagaman tila maliit ang isang porsyento, kapag nilagay aniya ito sa Real Terms ay malaki pa rin itong achievement.
Iniugnay din ito ng punong ehekutibo sa espesyal na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.