2 August 2025
Calbayog City
Metro

Pag-iral ng Number Coding sa Metro Manila, suspendido

SUSPENDIDO ang pagpapatupad ng Number Coding Scheme ngayon, Hulyo 22, 2025 (Martes) dahil sa matinding ulan na dulot ng Habagat.

Inanunsyo ito ng Metropolitan Manila Development Authority kasunod ng pagsuspinde rin ng DILG sa klase sa buong Metro Manila at sa sampu pang lalawigan.

Dahil sa suspensyon ng Number Coding, ang mga sasakyan na ang plaka ay nagtatapos sa 3 at 4 ay maaaring makabiyahe sa mga lansangan sa Metro Manila.

Paalala ng MMDA sa mga motorista, mag-ingat sa pagmamaneho ngayong maulan ang panahon at sundin ang batas trapiko para sa kaligtasan sa daan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).