UMAKYAT na sa tatlumpu’t walo ang kumpirmadong bilang ng mga masawi habang sampu ang nailigtas mula sa paglubog ng tourist boat sa Halong Bay sa Vietnam.
Nagpapatuloy din ang paghahanap ng mga rescuer sa mga survivor habang naghahanda sa pagdating ng Typhoon Wipha, na dating Bagyong Crising at una nang nanalasa sa Pilipinas.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Lumubog ang bangka noong Sabado ng hapon habang may lulan na apatnapu’t walong turista at limang crew members, sa isa sa itinuturing na pinakamalagim na Boating Accidents sa mga nakalipas sa taon, sa sikat na tourist area.
Iniulat ng Official Vietnam News Agency na lahat ng turista ay Vietnamese, kabilang ang ilang mga bata.
