MULING nabigo ang Gilas Pilipinas Women’s Basketball Team sa ikalawa nilang laro sa FIBA Women’s Asia Cup, na ginaganap sa China.
Bagaman nakahabol mula 18-Point Deficit, kinapos pa rin ang Gilas Women sa koponan ng Japan, sa score na 85-82, sa Shenzhen Sports Center, sa Guangdong Province.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Pinangunahan muli ni Jack Animam ang Pilipinas sa kanyang 24 points, 14 rebounds, 3 assists, 2 blocks at isang steal.
Sumegunda naman sina Vanessa De Jesus at Naomi Panganiban na may tig-13 points; at Sumayah Sugapong na nag-ambag ng 12 points.
May 0-2 Cards na ang Filipinas sa Division A ng Group B at nakatakda nilang harapin ang Lebanon Team, mamayang ala una y medya ng hapon.
