14 November 2025
Calbayog City
Local

Red Tide sa Matarinao Bay sa Eastern Samar, kinumpirma ng BFAR

POSITIBO sa Red Tide Toxins ang Matarinao Bay sa Eastern Samar, batay sa pinakahuling Confirmation Test ng Shellfish Meat Samples na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Central Office.

Sa advisory, kahapon, binalaan ng BFAR Regional Office sa Tacloban City, ang publiko laban sa paghango, pagbebenta, at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang, mula sa Matarinao Bay upang maiwasan ang posibleng Paralytic Shellfish Poisoning.

Inilabas ng BFAR-National Fisheries Laboratory Division ang Confirmatory Result sa Shellfish Meat Sample, isang buwan matapos mag-positibo sa Red Tide ang Seawater Samples mula sa Matarinao Bay, base sa pagsusuri ng Regional Office.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).