MAILAP pa rin ang Podium Finish para sa Filipino Pole Vaulter na si EJ Obiena, makaraang magtapos ito sa ika-pitong pwesto sa Diamond League sa Monaco.
Na-clear ng bente nueve anyos na Pinoy ang 5.72 meters, bagaman hindi na ito nakausad pa makaraang kapusin sa sumunod na height na 5.82 meters
Ito ang unang kompetisyon na sinalihan ni Obiena mula nang lumahok sa Stockholm Leg noong Hunyo, kung saan umabot lamang siya sa pang-pitong pwesto.
Muli namang namayagpag ang World and Olympic Record Holder na si Mondo Duplantis matapos ma-clear ang 6.05 meters.