DISMAYADO ang European Union (EU) at Mexico sa banta ni US President Donald Trump na papatawan ng 30 Tariff ang kanilang imports simula sa Aug. 1.
Binatikos ng Mexico ang tinawag nitong “Unfair Deal” ni Trump at iginiit na ang kanilang Sovereignty ay Non-Negotiable.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Nagbanta naman si EU Chief Ursula Von Der Leyen na magpapatupad ng “Proportionate Countermeasures,” kung kinakailangan.
Kapwa naman nagpahayag ang dalawa na nais nilang ituloy ang pakikipag-negosasyon sa Amerika.
Una nang nagbabala si Trump na magpapatupad ito ng mas mataas na Import Taxes kapag nag-Retaliate o gumanti ang sinumang US Trading Partners.
