APAT na Chinese Nationals at siyam na Pilipino ang arestado bunsod ng umano’y Illegal Mining Operations sa Bunawan, Agusan Del Sur.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group – Caraga (CIDG-13), dinakip ang mga suspek dahil sa paghuhukay ng ginto at minerals nang walang permit mula sa Mines and Geosciences Bureau, na labag sa Philippine Mining o Republic Act 7942.
ALSO READ:
4 katao, patay sa salpukan ng jeepney at dump truck sa Luna, Isabela
Seguridad para sa Panagbenga Festival, ikinakasa na
3rd-Party Assessment sa Aganan Flyover sa Iloilo, ipinag-utos ng DPWH Chief
8.4 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano
Inaresto ang apat na dayuhan sa Site 1 at Site 3 habang ang siyam na Pinoy ay dinakip sa Site 2.
Tinaya naman sa halos walong milyong piso ang halaga ng lahat ng kagamitan na narekober mula sa lugar.
