INAALAM ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mga pinanggalingan at koneksyon ng mga iligal na Online Gaming sa bansa.
Sa gitna ito ng pinaigting na kampanya laban sa Illegal Online Gaming Sites at mga debate kung magpapataw ng karagdagang buwis, magpatupad ng mahigpit na regulasyon o i-ban ang Online Gaming bunsod ng epekto nito sa lipunan.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Sinabi ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz na nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pinag-aaralan ang Links ng Illegal Online Gambling.
Idinagdag ni Cruz na pinag-aaralan din nila ang mga kaso ng Abusive Practices o Harassment kung kapareho ng nasa Online Lending o Money Laundering sa naka-ban ng Philippine Offshore Gaming Operations.
