ITINANGGI ng Philippine Coast Guard (PCG) na “planted” ang mga sakong narekober mula sa Taal Lake.
Sinabi ni PCG Spokesperson Noemi Cayabyab, na ang isinasagawang Diving Operations para sa paghahanap sa mga labi ng nawawalang sabungero ay lehitimo at bahagi ng pormal na imbestigasyon.
Binigyang diin ng opisyal na ang layunin ng bawat Diving Operations ay makapagbigay ng hustisya at katotohanan.
Umaasa rin si Cayabyab na mawala na ang mga negatibong espekulasyon dahil bawat sisid aniya ng PCG, ay buhay ang nakataya.