IKINULONG si Dating South Korean President Yoon Suk Yeol sa ikalawang pagkakataon, matapos arestuhin muli bunsod ng nabigong pagpapatupad ng Martial Law at nagdulot sa bansa ng kaguluhan sa politika.
Abril nang i-impeach si Yoon dahil sa naturang kautusan, kung saan umiral ang batas militar sa loob lamang ng anim na oras noong Disyembre.
Isang Senior Judge sa Central District Court sa Seoul ang naglabas ng Arrest Warrant para kay Yoon, kahapon, sa pangambang maaring sirain ng dating presidente ang mga ebidensya.
Si Yoon ang kauna-unahang Sitting South Korean President na inaresto, at nahaharap sa paglilitis sa kasong Insurrection bunsod ng pagtatangkang pairalin ang Martial Law sa bansa.