INALIS sa pwesto ng Bureau of Corrections (BUCOR) ang dalawang opisyal sa sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro, kasunod ng kabiguang maipuslit ang mga alak at sigarilyo sa pasilidad.
Nabuking ang tangkang Smuggling nang isang dump truck na umano’y magde-deliver ng graba at buhangin, ang kahina-hinalang nakaparada sa labas ng SPPF Hospital.
4 katao, patay sa salpukan ng jeepney at dump truck sa Luna, Isabela
Seguridad para sa Panagbenga Festival, ikinakasa na
3rd-Party Assessment sa Aganan Flyover sa Iloilo, ipinag-utos ng DPWH Chief
8.4 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano
Iprinisinta ng truck driver ang Delivery Permit na umano’y may lagda ng Camp Commander, kaya pinayagan ng guwardiya na tumuloy ang sasakyan sa Designated Unloading Area.
Gayunman, nang inspeksyunin ay nadiskubre ang halos tatlundaang bote ng Gin at Whiskey at daan-daang pakete ng mga sigarilyo na tinabunan ng graba at buhangin.
Ipinag-utos ni BUCOR Director General Gregorio Catapang Jr. ang pagsibak sa pwesto sa Camp Commander at isa pang opisyal, habang iniimbestigahan kung may iba pang personnel na sangkot sa tangkang Smuggling.
