NAGLABAS ang Department of Social Welfare and Development ng 12.92 million pesos para sa mga college students na tumulong sa kanilang Reading Tutorial Program sa Leyte at Samar.
Sinabi ni DSWD Eastern Visayas Regional Information Officer Jonalyndie Chua na 1,512 college students mula sa limang campuses sa rehiyon ang tumanggap ng kanilang Cash-for-Work pay matapos lumahok sa dalawampung araw na “Tara, Basa!” Sessions simula May 19 hanggang June 13.
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Ayon kay Chua, bawat estudyante sa kolehiyo ay tumanggap ng kabuuang 8,550 pesos, batay sa umiiral na Regional Minimum Wage.
Nagsagawa ang DSWD ng payouts mula June 20 hanggang sa unang linggo ng Hulyo sa mga lungsod ng Tacloban, Catbalogan, at Ormoc.
Ang mga estudyante ay mula sa Northwest Samar State University sa Calbayog City, Samar State University sa Catbalogan City, Eastern Visayas State University (EVSU) Main Campus sa Tacloban City, Leyte Normal University sa Tacloban, EVSU Satellite Campus sa Ormoc City, at City College of Ormoc.
