MAGLULUNSAD ang Office of Civil Defense (OCD) ng Libreng Biyahe ng Roll-On, Roll-Off (RORO) sa pagitan ng Tacloban at Eastern Samar, para sa mga cargo truck na may kargang essential at perishable products sa gitna ng Load Restrictions sa San Juanico Bridge.
Sinabi ni OCD Eastern Visayas Regional Director Lord Byron Torrecarion na ang Libreng RORO Trip sa pagitan ng Tacloban City at Guiuan sa Eastern Samar ay karagdagang sa umiiral na Libreng Biyahe sa pagitan ng Regional Capital at Basey sa Samar.
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Aniya, sa kabila ng Free RORO Trip sa pagitan ng Tacloban at Amendayehan Port sa Basey ay mayroon pa ring pagtaas ng presyo sa ilang bahagi ng Eastern Samar.
Sa pamamagitan aniya ng Libreng Sakay, nais silang mapagaan ang epekto ng San Juanico Bridge Crisis, lalo na sa bigas, perishable goods, at iba pang essential products.
Hinihintay na lamang ng OCD ang ilang Documentary Requirements bago ilunsad ang Free Tacloban-Eastern Samar Trip, kung saan bawat RORO vessel ay kayang magsakay ng tatlumpung trucks kada biyahe.
