LALO pang lumakas ang hinalang may relasyon sina Bea Alonzo at Vincent Co, makaraang makitang magkasama kamakailan sa isang concert na inorganisa ng supermarket chain na pag-aari ni Co.
Nakuhanan ng litrato ang dalawa na magka-holding hands sa tila backstage ng Puregold OPM Con sa Philippine Arena noong Sabado.
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Ang pagsulpot ng aktres at Puregold president sa OPM Con 2025 ang pinakahihintay ng entertainment reporters at content creator na inimbitahan sa event.
Patuloy ang maugong na usap-usapan tungkol sa real score sa pagitan ng dalawa matapos mapansin ng netizens magkaparehong litrato na kanilang ipinost sa tila spain getaway noong Mayo.
Kabilang na rito ang litrato na ipinost ni Vincent sa kanyang private account habang hawak ang kamay ng isang mystery woman, na pinaghihinalaan na si Bea.
Ilang beses ding namataan ang dalawa, gaya ng intimate gathering kasama si Heart Evangelista, hapunan kasama si Senador Bong Go, at events ng supermarket chain.
