7 July 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, tiniyak na hindi na bababa pa ang presyo ng palay

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga magsasaka na hindi na bababa pa ang presyo ng palay, kahit ano pa ang maging presyo ng bigas.

Sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na bibili ang National Food Authority (NFA) ng palay mula sa mga magsasaka sa halagang 18 pesos per kilo para sa wet, at 19 to 23 pesos para sa clean and dry.

Noong nakaraang linggo ay iniulat ng mga magsasaka sa Mangaldan, Pangasinan, nasa 9 hanggang 10 pesos ang presyo ng wet palay, habang ang mga pinatuyong palay ay 14 hanggang 15 pesos per kilo mula sa 18 hanggang 24 pesos per kilo noong nakaraang taon.

Ipinaliwanag ng pangulo na kaya binabarat ng mga trader ang palay ng mga magsasaka ay dahil wala silang processing, at napipilitan silang pumayag sa presyo ng mga trader.

Ito aniya ang dahilan kaya nagpapakalat ang pamahalaan ng processing plants, para makapili ang mga magsasaka kung saan nila ibebenta ang kanilang mga palay.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).