12 October 2025
Calbayog City
Local

Northern Samar, magtatayo ng unang Dialysis Center sa labas ng ospital

MAGTATAYO ang Northern Samar Provincial Government ng Hemodialysis Center sa bayan ng Allen, upang mabawasan ang pinansyal na pasanin ng mga pasyenteng nagpapa-dialysis sa lalawigan.

Ang naturang pasilidad ay isa sa tatlong bagong Dialysis Centers na malapit nang i-operate ng provincial government, upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente mula sa Balicuatro Area o sa hilagang kanlurang bahagi ng lalawigan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).