PINASESERTIPIKAHANG Urgent ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na layong maitaas ang Daily Minimum Wage ng mga manggagawa.
Ginawa ni Cendaña ang panawagan kasunod ng muling paghahain ng House Bill 766 o panukalang P200 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa bansa.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Ayon kay Cendaña, masyadong maliit ang P50 Wage Increase na inaprubahan ng National Capital Region Wage Board para lang sa mga Minimum Wage Earners sa Metro Manila at hindi ito sapat para makaagapay sa pagtaas ng presyo ng bilihin. Sinabi ni Cendaña na kung seryoso ang DOLE na masuportahan ang mga manggagawa ay dapat itong makiisa sa panawagan na gawing Priority Measure ng pangulo ang P200 Wage Hike.