5 December 2025
Calbayog City
National

Atong Ang at Gretchen Barretto, idinawit sa kaso ng mga nawawalang sabungero

LUMANTAD na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas “Totoy” at idinawit ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at aktres na si Gretchen Barretto, sa kaso ng mga nawawalang mga sabungero, at umano’y mga patay na.

Nagpakilala si Patidongan, bilang Chief of Security sa mga farm ng mga panabong na manok ni Ang, subalit nagsimula siya bilang bodyguard labinlimang taon na ang nakararaan.

Inihayag ni Patidongan na tinukoy niya sa kanyang sinumpaang salaysay sina Atong Ang, Eric Dela Rosa, at Celso Salazar, bilang mga nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

Aniya, si Ang ang pinaka-mastermind at nag-uutos na patayin ang mga biktima.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.