3 July 2025
Calbayog City
National

Palasyo, nilinaw na hindi tutol si Pangulong Marcos sa K-12 Program

NILINAW ng Malakanyang na hindi tutol si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa K-12 Program.

Matatandaang sinabi dati ni Pangulong Marcos na dismayado siya sa implementasyon ng Senior High School Curriculum, dahil wala namang advantage ang sistema.

Sa briefing, nilinaw ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro na ang sinabi lamang ng pangulo ay hindi naging epektibo agad ang programa dahil hindi naihanda para rito ang mga ahensya.

Idinagdag ni Castro na sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Sonny Angara sa Department of Education, ay bumuti ang sistema.

Aniya, batay aa direktiba ng pangulo, hangga’t nariyan ang batas para sa K-12, susuportahan, palalawigin, at pag-iibayuhin ito nang maayos para sa mga estudyante.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.