NAGHAHANDA ang South Korean actor na si Hyun Bin na mag-crash land sa Manila para sa kanyang kauna-unahang Meet and Greet Event sa Aug. 8.
Si Hyun Bin na lalong nakilala sa Netflix Hit na “Crash Landing On You” (CLOY) ay bibisita bansa, sa pamamagitan ng imbitasyon ng isang Hotel Resort Chain.
Ang tickets para sa Fan Meet ay maaring makuha sa pamamagitan ng raffle promo simula July 1 hangang 31.
Maaring ma-avail ang raffle ticket sa bawat 2,000-peso single receipt sa isang Dining Outlet mula sa Paranaque at Quezon City branches ng Hotel Resort.
Bukod sa CLOY, kabilang din sa mga sikat na K-Dramas ni Hyun Bin ay “My Lovely Kim Sam Soon,” at “Secret Garden.” Naging endorser din ang aktor ng isang Local Clothing Brand at Telco Network.