PORMAL nang iprinokla ng COMELEC si Dating Marikina Mayor Marcy Teodoro bilang nanalong Congressional Candidate sa unang distrito ng lungsod sa nagdaang May Midterm Elections.
Ginanap ang proklamasyon sa Marikina Public Market Function Hall, ilang oras matapos magpulong at talakayin ng Board of Canvassers ang Certificae of Finality and Entry of Judgement na inilabas ng COMELEC En Banc sa kaso ng dating alkalde.
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Una nang ikinadismaya ni Teodoro ang pagtanggi ng Marikina COMELEC na iproklama siya, matapos sabihan ng Local Poll Body Office na hintayin muna ang ilalabas na COMELEC Resolution para sila ay mag-convene.
Ipinaliwanag naman ni COMELEC Chairman George Garcia na hindi na kailangan pang mag-isyu ng panibagong resolusyon para sa Board of Canvassers.