SUPORTADO ng mas nakararaming Pilipino ang pagbabalik ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
Batay sa resulta ng April 20 to 24 survey ng OCTA Research na ginamitan ng 1,200 adult respondents, 57 percent ng mga Pinoy ang sumusuporta sa panawagan na muling lumahok ang bansa sa ICC.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
37 percent naman ang tutol sa pagbabalik ng Pilipinas sa ICC habang 6 percent ang undecided.
Pagdating naman sa awareness, 85 percent ng respondents ang nagsabing nakita, nabasa o narinig na nila ang tungkol sa ICC habang 13 percent ang hindi aware, at 1 percent ang nananatiling undecided.