APAT na mga kumpanya ng langis ang pumayag na magbigay ng discounts sa Public Utility Vehicle (PUV) drivers upang makatulong na makabawi sa nakalipas na Price Hikes.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Officer-In-Charge Sharon Garin, nakausap nila ang Petron, Caltex, Shell, at Clean Fuel para sa pisong diskwento sa kada litro ng produktong petrolyo sa mga pampublikong sasakyan.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Idinagdag ni Garin na mayroon ding iba’t ibang promos ang Oil Companies na nagsisilbing Loyalty Programs at nagbibigay ng discounts sa mga pribadong motorista.
Noong nakaraang linggo ay dalawang beses nagpatupad ng Price Increase ang mga kumpanya ng langis na tig-1.75 pesos sa gasolina, tig-2.60 pesos sa diesel, at tig-2.40 pesos sa kerosene.
Tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo noong nakaraang linggo bunsod ng gulo sa pagitan ng Israel at Iran.