STABLE ang presyo ng mga pagkain sa Eastern Visayas sa kabila ng umiiral na 3-Ton Weight Limit sa San Juanico Bridge.
Ito ay dahil sa operasyon ng bagong Roll-On, Roll-Off (RORO) Route sa pagitan ng Tacloban City at Amandayehan Bridge sa Basey, Samar.
4 katao, patay sa vehicular accident sa Samar
Responders at emergency teams, pinapurihan sa kanilang dedikasyon sa isinagawang training sa Calbayog City
LandBank, palalawakin ang kanilang serbisyo sa Eastern Visayas
Mahigit 200 na pamilya sa Eastern Samar, lumikas bunsod ng pagbaha na dala ng Shear Line
Sinabi ni Jenny Lyn Almeria, Department of Agriculture (DA) Assistant Regional Director for Research and Regulations, na nagkaroon ng pagtaas ng presyo ng farm products, ilang araw matapos ipatupad ang Load Limit noong May 15.
Gayunman, nag-stabilize aniya ang trading matapos buksan ang bagong ruta, kung saan pinayagan ang mga truck na mag-deliver ng cargoes sa iba’t ibang pamilihan.
Sa meeting ng Task Force San Juanico, inihayag ni Almeria na kung nagkaroon ng pagbabago sa presyo ng ilang upland vegetables sa Luzon, ito ay dahil sa supply at hindi dahil sa Bridge Restrictions.
