9 July 2025
Calbayog City
Entertainment

Fifth Solomon, na-diagnose na may bipolar disorder

IBINUNYAG ni Fifth Solomon na na-diagnose siya na mayroong bipolar disorder.

Sinabi ng actor-director na nagsimula na siyang sumailalim sa medication na nakatulong sa kanya para maramdaman muli ang ang pagiging “present and in control.”

Ayon sa Mayo Clinic, ang bipolar disorder ay nagdudulot ng Extreme Mood Swings, kabilang ang Emotional Highs and Lows.

Sa kanyang Facebook post, isiniwalat ni Fifth na 2021 pa nang magsimula siyang makaranas ng depression at anxiety, subalit kakaiba ang tumama sa kanya noong nakaraang taon.

Aniya, naging super moody siya, laging overwhelmed, bumibigay kapag under pressure, paiba-iba ng nais gawin, nag-o-overthink kahit may kausap, masyadong energetic pero biglang malulungkot, at kung anu-ano pang mga emosyon na hindi niya maipaliwanag.

Humingi rin si Fifth ng tawad sa mga nasaktan niya, at nangakong pagbubutihin ang sarili, para rin sa kanyang mga kaibigan, sa kanyang team, at sa kanyang pamilya.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).