PASOK na ang Filipina Tennis Star na si Alex Eala sa Quarterfinals ng Eastbourne Open.
Ito’y makaraang hindi tapusin ng kanyang katunggali na si Grand Slam Champion Jelena Ostapenko ng Latvia ang kanilang match.
Sa Third Set ng laro, sumakit ang left ankle ni Ostapenko, dahilan para tumawag ito Medical Timeout.
Sunod na makakalaban ng bente anyos na Pinay Tennis Star ang mananalo sa pagitan Nina Francesca Jones ng Britain at Dayana Yastremska ng Ukraine.