TUMULONG ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paghahakot ng basura sa mga pangunahing lansangan sa lungsod ng Maynila.
Nagpadala ang MMDA ng truck para mahakot ang maraming tambak na basura sa maraming kalsada sa lungsod.
Agad na ipinag-utos ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang pagpapadala ng mga dump trucks para magamit sa paghahakot ng mga naglutangang basura dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan nitong mga nagdaang araw.
Sa datos ng MMDA, hanggang tanghali ng Martes, June 24, umabot na sa 58 tonelada ng basura ang nahakot.
Dinala ang mga ito sa Navotas Sanitary Landfill.
Patuloy na nananawagan ang MMDA sa publiko na maging responsableng mamamayan at iwasan ang pagtatapon ng basura kung saan-saan.